Nagbabala si Manila mayor Isko Moreno sa publiko sa mga nagbebenta at bumibili ng murang gamot online.
Ito’y matapos arestuhin ang isang online seller na nakuhaan ng isa punto walong milyong pisong halaga ng pekeng gamot.
Hinimok ni Moreno at vice mayor Honey Lacuna ang publiko na isumbong sa mga otoridad ang anumang paggawa at pagbenta ng mga pekeng gamot.
Samantala, pinayuhan din ng alkalde ang publiko na bumili lamang ng mga gamot sa mga otorisadong botika. —sa panulat ni Kim Gomez