Pinagpapaliwanag ng Alliance of Concerned Teachers ang Department of Education sa pagbili nito ng overpriced umanong mga DSLR camera.
Nito lamang linggo nang umani ng iba’t ibang reaksyon ang social media post ng isang photojournalist na ikinumpara ang biniling Canon EOS 1500d ng Deped na nagkakahalaga ng P155,929 pesos sa modelong mabibili lang ng P23,000 hanggang P33,000 pesos sa online stores.
Ayon kay Vladimir Queta, Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers, dapat may managot o maparusahan at imbestigahan ng gobyerno ang nasabing alegasyon.
Pinasisilip din ng grupo sa Commission on Audit ang naturang isyu.
Samantala, tiniyak naman ni Deped spokesperson Michael Poa na nag-iimbestiga na ang kagawaran.