Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos kay Health Secretary Francisco Duque, III na laktawan ang bidding process sa pagbili ng Personal Protective Equipment (PPE).
Ito’y bilang tugon sa imbestigasyon ng Senado sa maanomalya umanong paggamit ng Department of Health sa COVID-19 response funds.
Sa kanyang Talk to the Nation kahapon, inihayag ni Pangulong Duterte na nasa emergency situation ang bansa dahil sa pagkalat ng COVID-19 kaya’t kailangan ang mabilis na pag-aksyon.
Iginiit ng Punong Ehekutibo na ang karaniwang bidding process ay umaabot ng isang buwan kaya’t hindi ito akma para sa mga sitwasyong katulad ng pandemya o giyera. —sa panulat ni Drew Nacino