Inabisuhan ng Department of Health o DOH ang mga pribadong sektor at Local Government Units o LGUs na huwag bumili ng sariling bivalent vaccines.
Sinabi ito ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasabay ng plano ng kagawaran na bumili ng mga bagong generation na bakuna na magiging available sa bansa pagsapit ng unang kwarter ng 2023.
Ayon kay Vergeire, hanggang ngayon ay wala pang Emergency Use Authority (EUA) ang bivalent vaccines.
Dahil dito, kapangyarihan ng national government na bumili ng bakuna at ipamahagi sa pribadong sektor at lokal na pamahalaan.
Mahalaga rin ang rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council para matukoy kung sino ang tatanggap ng bivalent vaccines.
Kahapon, nakatakdang makipagpulong ang DOH sa bivalent vaccine manufacturer para pag-usapan ang proseso ng pagbili.