Nagpapatuloy ang negosasyon ng gobyerno para sa pagbili ng reformulated booster jabs na inirekomenda kontra sa nagsusulputang COVID-19 variants.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 chief implementer, secretary Carlito Galvez, palalakasin ng next-generation vaccine boosters ang efficacy ng mga bakuna.
Nakikipag-usap na aniya si finance secretary Carlos Dominguez sa apat na manufacturers para sa procurement ng booster shots.
Una nang inihayag ni Galvez na pina-plantsa na ng pamahalaan kasama ang multilateral partners nitong World Bank, Asian Development Bank at Asian Infrastructure Investment Bank ang ikalawang bugso ng vaccine procurement.
Naglaan na ang gobyerno ng P2.2-B sa pagbili ng suplay ng booster shots sa susunod na taon. —sa panulat ni Drew Nacino