Posibleng payagan na ng pamahalaan na makabili ng sarili bakuna kontra COVID-19 ang mga Local Government Units (LGUs) at pribadong sektor para hindi na pumasok ang mga ito sa multi party contracts.
Ito’y ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., dahil kanila nang babaguhin ang ipinatutupad na procurement strategy ng pamahalaan.
Ibig sabihin, oras na matuloy ito ay pwede nang dumiretso ang mga LGUs at pribadong sektor na bumili ng bakuna kahit wala nang multi party agreements.
Paliwanag pa ni Galvez, na ang pagbabago sa diskarte sa pagkuha ng bakuna ay posibleng magsimula sa reformulated boosters at fill authorization ng Pfizer at iba pang brands ng mga COVID-19 vaccines.