Posibleng bumili ang gobyerno ng sarili nitong petroleum products.
Ito ang inihayag ni DOE asec. Mario Marasigan, kung saan nangunguna ang Philippine National Oil Company (PNOC) sa isinasagawang pag-aaral kung paano makatutulong ang pamahalaan sa pag-iimbak ng langis.
Ngunit nilinaw rin ng opisyal na hindi intensyon ng DOE sa hakbang na ito na makipagkompetensya sa mga oil company.
Sa halip, ito ay upang hindi maantala ang suplay ng langis sa bansa sakaling magkaroon ng problema sa suplay sa international market.