Pinaplano na ng pamahalaan na bumili ng satellite para mas mapagibayo pa ang pagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).
Ito’y matapos mapaulat ang pagbalik ng mga barko ng China sa lugar para kumuha ng mga taklobo.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., nasorpresa siya nang malaman na bumalik ang mga barko ng China.
Kaugnay nito, inamin ni Esperon na kulang ang bansa sa surveillance para mabantayan ang WPS.
Dahil dito, maaari umanong sa hulyo ay magkakaroon na ang Pilipinas ng sariling imagery satellite na proyekto ng Department of Science and Technology (DoST).