Pinaiiwas ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang publiko sa pagbili ng smuggled white onions.
Ayon kay BPI project assistant at team leader Melvin Banagbanag, nasa 1,000 bag ng white onions ang kanilang nasabat kasama ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) mula sa isang warehouse sa Tondo, Manila kahapon.
Ito ay matapos nilang salakayin ang isang storage facility sa Sto. Cristo St. Bandang alas-7 ng gabi.
Ayon kay Banagbanag, wala itong Phytosanitary at Importation Permit na kailangang kunin ng mga importer.
Dagdag pa niya, hindi ito ligtas kainin dail maaaring may kemikal na inilagay sa mga sibuyas. Hindi rin aniya ito nakatutulong sa problema ng mga lokal na magsasaka.
Kaagad namang dinala ng mga otoridad sa BPI warehouse ang mga na-i-smuggle na sibuyas. —sa panulat ni Hannah Oledan