Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagbili ng mga submarine na magagamit sa mga operasyon ng Philippine Navy.
Ayon kay Philippine Navy Chief of Naval Staff-Rear Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, pinag-iisipan pa nilang maigi ang pagbili ng karagdagang mga sasakyang pandagat kung saan, isinailalim na nila sa pagsasanay ang kanilang mga tauhan.
Sinabi ni Admiral Ezpeleta, na nagpadala sila ng mga tauhan sa ibang bansa upang mapag-aralan kung paano magpatakbo, mag-alaga at mag-maintain ng isang submarine.
Binigyang diin ng Navy Chief, na mahigit sampung taon na ang nakalipas nang magsimulang magplano ang navy sa pag-procure ng submarine dahil kailangan nito ng malalimang pagpaplano.
Bukod pa dito, mahal din ang presyo ng submarine at hindi gaanong kadali ang pag-ooperate nito.
Sa ngayon, patuloy na nakatatanggap ng mga alok mula sa ibat-ibang mga bansa ang pamahalaan para sa pagbili ng mga submarine.