Pinag – iingat ngayon ng FDA o Food and Drug Administration ang publiko sa pagbili ng mga bakuna kontra sa sakit na ‘Japanese Encephalitis’ na ibinebenta sa social media.
Giit ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo sa mga pharmacy dapat bumili ng bakuna at dapat may tamang preskripsiyon ang mga ito.
Aniya, mababang kalidad at hindi pasado sa standards ang mga nabibiling bakuna mula sa online sellers at hindi otorisadong distributor.
Dagdag pa ni Usec. Bayugo na may tamang paraan ng pag – iimbak ng nasabing bakuna at maaaring makompromiso ang bisa nito kapag hindi nasunod.