Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na bababa ang presyo ng manok at itlog sa oras na matupad ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumili ng avian flu vaccines.
Ayon kay Romualdez, tiyak na magpapasigla ng poultry industry ang planong ito ng Pangulo.
Aniya, sa pagpatay sa humigit-kumulang 10 milyong manok dahil sa bird flu, bumaba ng 20% ang produksyon ng itlog sa bansa.
Umaasa rin ang House Speaker na maisasabatas sa lalong madaling panahon ang panukalang pagpapatayo sa Virology and Vaccine Institute of the Philippines, isang research facility na may layong pag-aralan at makagawa ng mga gamot at bakuna laban sa mga virus na nakakaapekto sa mga tao, hayop, at halaman.
Matatandaang unang naiulat ang bird flu sa bansa noong 2017.