Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagbili at pagkain ng mga isda galing sa Taal Lake at malapit sa lalawigan ng Batangas.
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Francia Laxamana, hindi muna dapat bumili ng mga isda mula sa nasabing lawa para sa kaligtasan ng publiko.
Sinabi ni Laxamana na namatay kasi ang mga isda dahil sa sulfur o anumang uri ng kemikal mula sa ibinugang abo ng Bulkang Taal.
Sakali mang makakain ng isda mula sa bahagi ng Taal at Batangas, inihayag ni Laxamana na kaagad irehydrate at bantayan nang mabuti ang sitwasyon ng pasyente.