Inihayag ng Malacañang na inaasahan na nila ang pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Ito ang sinabi Press Scretary Trixie Cruz-Angeles matapos maitala ng Philippine Statistics Authority ang 6.4% na inflation rate nitong Hulyo.
Ayon kay Cruz-Angeles, malaki ang naging epekto sa bansa ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at maging nang nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Matatandaang una rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa kaniyang State of the Nations Adress na hindi maiiwasan ang pagbilis ng inflation dahil sa mataas ng presyo ng langis at pangunahing mga bilihin.