Kilala ang mga Pilipino dahil sa hilig at galing sa pagkanta at dala-dala pa nga ito kahit saan magpunta at anuman ang okasyon.
Pero nakasanayan na natin ang mga tipikal na kanta na mayroong lyrics mula sa umpisa hanggang sa matapos ang kanta.
Kaya naman, kakayanin mo bang mag-perform ng kanta na wala o halos wala nang lyrics katulad ng ginawa ng singer na si Jona?
Kung ano ang buong pangyayari, alamin natin.
Sa isang performance sa isang sunday variety show, pinatunayan ni Jona ang bansag sa kanya na ‘Asia’s Fearless Diva’ dahil sa pagbirit na controversial song ng 90s band na Sugar Hiccup.
Naging kontrobersyal ang kantang ‘Five Years’ dahil sa pagiging kakaiba nito. Kung bakit? Ito ay puno lang naman ng melody at halos walang lyrics!
Sa isa namang interview, ibinahagi ng vocalist ng sugar hiccup na si melody del mundo na ang kantang ‘five years’ ay nagsimula sa isang trip lang ng kanilang banda!
Ang melody daw nito ay nanggaling sa kanya habang ang tanging limang salita sa lyrics nito na ‘but he will never be’ ay nagmula sa kanilang bassist.
Umani naman mula sa netizen ng maraming papuri ang online videos ng performance na ito ni jona at mayroon pang nagsabi na nabigyan ng justice ang kanta, lalo pa at iba’t-ibang emosyon ang ibinibigay ng kanta na ito dahil ito ay patungkol sa isang babaeng nawalan na ng pag-asa na siya ay babalikan pa ng kanyang kasintahan.
Pati ang kapwa niya singers na sina Klarisse de Guzman at Morissette Amon ay hindi napigilang ipakita ang pagkamangha dahil sa mapanindig balahibong performance ni Jona.
Ikaw, anong masasabi mo sa mahusay na performance na ito?