Naniniwala ang Department of National Defense (DND) na makatutulong ang pagbisita sa Pilipinas ng mga barkong pandigma ng China para mabawasan ang tensyon sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng pagdaong sa Sasa Wharf sa Davao City ng tatlong (3) warship ng Tsina para sa tatlong (3) araw na goodwill visit.
Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong, magandang paraan ang goodwill visit upang mapalakas ang kumpyansa ng mga bansa sa isa’t isa at mapagtibay lalo ang relasyon ng mga mamamayan nito.
Handa rin anya ang Pilipinas na tanggapin ang iba pang barko ng China na nais magsagawa ng goodwill visit sa hinaharap.
Nilinaw naman ni Andolong na hindi pagtalikod sa Estados Unidos ang pag-welcome ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlong (3) warships ng China dahil pinalalawak lamang ng Pangulo ang relasyon ng Pilipinas at isinusulong ang independent foreign policy sa ibang bansa.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal