Kinansela na ni Mexican President Enrique Peña Nieto ang nakatakdang pagbisita nito sa Estados Unidos.
Ito ay matapos ang mainitang pag-uusap nila sa telepono ni US President Donald Trump.
Ayon sa ulat, napuno ng tensyon ang pag-uusap ng dalawang lider nang maungkat ang usapin ukol sa pagtatayo ng US ng kanilang borderwall sa Mexico.
Nais ni Trump na Mexico ang magbayad sa naturang ipatatayong border na hindi naman pinayagan ni Nieto.
Nakatakda sana ang pagbisita ni Nieto sa amErika sa buwan ng Marso.
—-