Magandang oprtudidad ang pagbisita sa bansa ng dalawang (2) lider ng bansa na kinabibilangan ni Brunei Sultan Bolkiah at Indonesian President Joko Widodo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, inaasahang makakapagpatatag lalo sa bilateral ralations ng Pilipinas at ASEAN neighbors ang pagbisitang ito ng mga State Leaders.
Sinabi ni Abella na kabilang sa mga posibleng matalakay ng Pangulo sa hiwalay na pulong nito kina Bolkiah at Widodo ang isyu ukol sa seguridad ng sea lanes, cross border traffic and patrol at economic cooperation.
Maliban dito, inaasahan din na bubuksan ng Pangulo ang ukol sa sitwasyon ng mga manggagawang Pinoy sa abroad kabilang ang kaso ni Mary Jane Veloso sa Indonesia.
By Ralph Obina