Ipinagtanggol ng Malacanang ang ginawang pagbisita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Pag-Asa Island .
Kasunod ito ng pagka-alarma ng China matapos mabatid na personal na bumisita sa isla ang Defense Secretary kasama ang ilang miyembro ng media.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na bahagi ito ng pagsisikap ng gobyerno na mapahusay ang kaligtasan, kapakanan at kabuhayan ng mga Pilipinong naninirahan sa isla, na bahagi ng Palawan.
Matagal na aniyang ginagawa routine maritime patrol at overflight sa West Philippine Sea at naaayon ito sa ilalim ng international law.
Paraan din aniya ito para marating ang munisipalidad na pinakamalayong isla ng bansa.
By: Aileen Taliping