Inaasahang magiging makasaysayan ang tatlong araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel na magsisimula sa Setyembre 2.
Ayon kay Israel Ambassador to the Philippines Effie Ben Matityau, ito ang unang pagkakataon na bibisita ang Pangulo ng Pilipinas sa Israel simula nang mag-umpisa ang “diplomatic ties” ng nasabing dalawang bansa noong 1958.
Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Duterte kina Prime Minister Benjamin Netanyahu at President Reuven Rivlin at kabilang sa inaasahang tatalakayin ang usapin sa seguridad, economic ties at iba pa.
Posible ring matalakay ang pagkakaroon ng direct flight na Manila to Tel Aviv at pabalik na magpapalakas sa turismo ng dalawang bansa.
—-