Nakasalamuha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang lider ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations sa isinagawa nitong pagbisita sa Brunei upang dumalo sa Golden Jubilee celebration ng pag-upo sa trono ni Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah.
Nakausap ni Pangulong Duterte sina Cambodian Prime Minister Hun Sen, Indonesian President Joko Widodo at Malaysian Prime Minister Najib Razak na kapwa imbitado niya sa nasabing event.
Ayon kay Presidential Ernesto Abella, naging pagkakataon din ito upang mas pagtibayin pa ng Pilipinas ang matagal na nitong ugnayan at pakikipagkaibigan sa Brunei Darussalam.
Umaasa naman si Pangulong Duterte na mapapalawak pa ang bilateral cooperation sa Brunei at pagsusulong ng mas mapayapa, maunlad at progresibong ASEAN.
Samantala, dumating na kaninang madaling araw si Pangulong Duterte kasama ang kanyang mga delegado sa Davao City at mananatili doon ngayong weekend.