Inaayos na ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa gitna ng hindi pa rin nareresolbang isyu sa West Philippine Sea.
Ayon kay Duterte, dito ay ipapakiusap niya na payagan na muling mangisda ang mga Pilipino sa pinag-aagawang teritoryo dahil apektado na ang hanapbuhay ng mga ito.
Binigyang-diin pa ng Pangulo na layon niya ay kapayapaan at hindi digmaan sa kanyang pagtungo sa China.
Bukod pa sa isyu sa teritoryo ay nais din ng Pangulo na mas mapagpalakas pa ang relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa.
Inaayos na ang susunod na sigwada ng state visit ng Pangulo kung saan nakatakdang bisitahin nito ang mga bansang Vietnam at Japan.
By Rianne Briones