Tuloy na ang pagtungo sa Japan ng Pangulong Rodrigo Duterte mula Oktubre 29 hanggang 31.
Layon ng nasabing pagbisita, ayon sa Palasyo, na higit pang mapaigting ang bilateral relationship ng Pilipinas at japan.
Kabilang din sa itinerary ng Pangulo ang pakikipagkita sa iba pang matataas na opisyal ng Japanese government at mga maimpluwensyang tao doon.
Bukod sa bilateral issues, posible ding pag-usapan nina Pangulong Duterte at Japan Prime Minister Shinzo Abe ang peace and stability ng rehiyon at ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa susunod na buwan.