Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ng Amir ng Kuwait na pagbisita sa naturang bansa.
Ito ay sa kabila ng deployment ban na ipinatupad ni Duterte dahil sa pag-abuso sa mga Overseas Filipino Workers kung saan pinakahuli ay nang matagpuan ang bangkay ng isang Pinay sa loob ng freezer.
Batay sa artikulong inilabas ng Kuwait Times, sinabi ni Deputy Foreign Minister Khaled Al-Jarallah na posibleng bumisita si Pangulong Duterte sa una o ikalawang linggo ng Marso.
Kasabay nito, nakatakda namang lagdaan ang kasunduan ng dalawang bansa ukol sa paglalatag ng regulasyon para sa kapakanan ng mga Filipino workers.
Una na umanong nagkasundo ang Pilipinas at Kuwait na resolbahin ang mainit na usapin sa mga pagmamaltrato sa mga Pilipinong manggagawa sa pamamagitan ng diplomatikong pag-uusap at hindi pagpapalala ng sitwasyon sa pamamagitan ng pagsasalita sa media.
—-