Naniniwala si Beijing Journalist Benjamin Lim na ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa China ay magsasaad ng direksyon ng bansa sa foreign policy.
Ito ang sinabi ni Lim kasabay ng nakatakdang pagtungo ngayong araw ni Pangulong Marcos sa China para sa tatlong araw na state visit nito.
Ayon kay Lim, malaking hamon sa kakayahan ni PBBM ang pagbisita sa China, lalo’t para sa nasabing bansa ay masyadong malapit ang ating relasyon sa US.
Dahil dito, sinabi ng manunuri na kailangang makumbinse ng Pilipinas ang China na mayroon tayong isang malayang patakaran at tayo ay hindi pumapanig.