Kinansela na ng gobyerno ang nakatakdang pagbisita sa Pilipinas ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard na mag-iimbestiga sa tumataas na bilang ng extrajudicial killings.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, hindi rin maaaring mag-imbestiga ang UN dahil sa pagtanggi ni Callamard sa mga kondisyong inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kung hindi anya tatalima ang UN sa guidelines ng Pangulo ay malabong matuloy ang pagbisita ni Callamard.
Iginiit ni Yasay na dapat bigyang pagkakataon ang gobyerno na kuwestyunin din ang rapporteur dahil sa patuloy na batikos na tinatanggap ng Pilipinas bunsod ng alegasyon ng mga extrajudicial killings.
By Drew Nacino