Ikinabahala ng China ang pagbisita ni US Defense Secretary Ashton Carter sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang, ang ginawa ni Carter ay nagpapakita lamang aniya na ang Estados Unidos ang siyang tunay na promotor sa militarisasyon sa South China Sea.
Matatandaang kasama si Defense Secretary Voltaire Gazmin, lumipad si Carter sa bisinidad ng Recto Bank na isa sa mga pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China.
By Ralph Obina