Ipinagpaliban ng Malaysia ang pagbitay sa isang Pinoy na na-convict sa kasong murder sa Sabah.
Ayon sa DFA o Department of Foreign Affairs, itinakda kahapon ang execution kay Ejah Bin Jaafar na nahatulan ng capital punishment ng Sandakan High Court noong Setyembre 2006.
Subalit, ipinag-utos ni Sabah Governor Tun Datuk Seri Panglima Haju ang postponement ng pagbitay kay Jaafar kasunod ng last-minute appeal ng Philippine embassy sa Kuala Lumpur.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose na ibinalik ng gobernador ang kaso ng nasabing Pinoy sa Sabah Pardons Board para sa isalang sa review.