Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawa ng ibang mga hakbang sakaling mabigong ipasa sa Kongreso ang panukalang ibalik ang parusang bitay sa bansa.
Ito’y sa kabila ng pagkilos ng iba’t ibang sektor partikular na ng Simbahang Katolika na siyang mahigpit na kritiko ng Pangulo hinggil sa nasabing usapin.
Kasunod nito, nagbanta ang Pangulo na kanyang aaraw-arawin ang pagbitay sa mga kriminal ng lima hanggang anim kada-araw.
Inaasahang tatalakayin na sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan sa pagbabalik sesyon ng mga mambabatas sa susunod na taon.
By Jaymark Dagala