Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Budget Secretary Wendel Avisado.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagbitiw si Avisado dahil sa kaniyang kalusugan.
Nito lamang nakaraang linggo, nag sick leave ang kalihim para magpa-check up matapos mag positibo sa COVID-19.
Nakaranas ng severe COVID-19 symptoms si Avisado at na ospital ng 10 araw at na-quarantine ng 34 na araw.
Kaugnay nito, pinayuhan umano si Avisado ng kaniyang mga doktor na sumailalim pa sa medical check-up bunsod ng naging quadrule open heart bypass operation ng kalihim 14 taon na ang nakalilipas.
Samantala, itinalaga naman ng Pangulo bilang Officer in Charge ng DBM si Undersecretary Tina Rose Marie Canda.