Nabigla ang mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan sa biglaang pagbitiw sa puwesto ni Sen. Robin Padilla bilang Executive Vice President ng partido.
Sa liham na ipinadala ng senador, na may petsang May 29, 2023 nagpasya itong magbitiw sakaniyang posisyon na isang irrevocable o hindi na mababawi.
Ayon kay PDP-Laban President at Palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez, nagulat ang buong miyembro ng partido sa biglaang pagbitiw ng senador.
Sinabi ni Cong. Alvarez, na naiintindihan nila ang desisyon ni Sen. Padilla dahil posibleng abala ang mambabatas sa sunud-sunod na pagdinig sa senado kung saan, halos hindi na ito nakadadalo sa pagpupulong ng PDP-Laban.
Hindi naman binanggit kung ano ang dahilan ng pagbitiw ng senador pero mananatili pa rin itong miyembro ng partido.
Matatandaan na irrevocable resignation din ang ginawa ni Vice President Sara Duterte-Carpio bilang Chairman ng partido Lakas-CMD matapos tanggalin bilang Senior Deputy Speaker ang dating pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.