Pinagbabawal na ng Department of Agriculture o DA ang pagbibyahe ng mga hayop tulad ng baboy at meat products nang walang permit mula sa Bureau of Animal Industry at walang sertipikasyon mula sa lisensyadong beterinaryo.
Ito’y kasunod ng pangamba sa African Swine Fever kung saan tiyak na maaapektuhan ang lagay ng ekonomiya ng bansa.
Batay sa nilagdaang administrative order no. 4 ni Agriculture Sec. William Dar, kailangan ay maging mahigipit sa pag- o-obserba sa quarantine procedures ang lahat ng provincial veterinary at agricultural offices, city at municipal government.
Kasabay nito, iniutos din ni Dar sa mga kinauukulan na agad i-report sa Bureau of Animal Industry sa oras na may mapansing kakaiba at insidente ng pagkamatay ng maraming baboy.
Pinayuhan din ng D.A ang mga magbababoy na huwag magpapakain ng tirang pagkain sa mga baboy.