Inaasahang mas magiging maayos na ang pagbyahe ng mga kargo sa gitna ng umiiral na community quarantine sa bansa.
Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) para solusyunan ang nasabing problema.
Batay sa Resolution No. 46, magkakaroon ng 8-day free time period sa bawat shipping lines.
Hinihikayat din ang lahat ng domestic shipping lines na magbigay ng porsyento ng cargo space sa bawat byahe.
Eksklusibo umano ito para sa agriculture at food products at mag charge ng preferential rates.