Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga hatchback at maliliit na unit na bumiyahe bilang Transport Network Vehicle Services o TNVS.
Ito’y alinsunod na rin sa utos ng Department of Transportation sa LTRFB na payagan na itong bumyahe ang mga hatchback at subcompact vehicles.
Gayunman, hindi nakasaad sa inilabas na Memorandum Circular No. 2019-42 ng LTFRB kung anong model ng hatchback ang papayagang makabyahe bilang TNVS.