Muling pagbabawalan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagdaan ng mga light trucks sa EDSA at Shaw Boulevard simula sa Lunes, Mayo 24.
Sa inilabas na abiso ng MMDA, maituturing na light truck ang sasakyang may gross weight na 4,500 kilograms.
Ibig sabihin, ang mga ito ay hindi pwedeng bumiyahe sa EDSA mula Magallanes sa lungsod ng Makati hanggang sa North Avenue sa Quezon City mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.
Habang hindi naman pwedeng bumiyahe sa Shaw Boulevard sa Pasig City hanggang Mandaluyong City ang mga light truck mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga; at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Mababatid na iiral ang naturang light truck ban mula Lunes hanggang Biyernes.
Pagmumultahin naman ng P2,000 ang sinumang lalabag sa kautusan.