Nagpalabas ng bagong mga panuntunan ang Bureau of Immigration (BI) para sa mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan na lalabas ng bansa.
Batay sa ipinalabas na pahayag ng Immigration, kinakailangan nang magpakita aprubadong leave application ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan sa Immigration officer.
Gayunman, hindi saklaw ng nasabing kautusan ang mga halal na opisyal ng lokal na pamahalaan kaya’t kailangan pa rin nilang magpakita ng travel authority na aprubado naman ng DILG o Department of Interior and Local Government.
Ayon sa Immigration, ipinatutupad lamang nila ang revised guidelines ng DILG sa paglalabas ng travel authority noong Pebrero hinggil sa pagbiyahe ng mga lokal na opisyal.