Ipinagbabawal na ng Rizal Provincial Government ang pagbebenta at pag biyahe ng lahat ng uri ng farm animals maging ng kanilang mga karne ng walang kaukulang veterinary certificate at shipping permit.
Kaugnay pa rin ito sa patuloy na pagdami ng kaso ng mga namamatay na alagang baboy sa lalawigan ng Rizal.
Batay sa advisory ipinagbabawal rin ang pagpapakain ng kaning baboy o tirang mga pagkain sa lahat ng poultry animals lalo na ng baboy.
Nilinaw naman ng tanggapan ni Governor Rebecca Ynarez na nananatiling ligtas ang pagkain sa pork products na galing sa kanilang lalawigan.
Patuloy pa rin ang kanilang pagbabantay sa lahat ng poultry farms sa lalawigan kasama ang Bureau of Animal Industry.
Una nang inilagay sa quarantine ang mga alagang baboy sa Bayan ng Rodriguez dahil sa mataas na mortality rate sa mga baboy.