Pinag-aaralan ng senado ang panukalang isama sa absentee voting ang paghalal sa mga kongresista.
Iminungkahi ito ni Senador Francis Tolentino sa plenary debates hinggil sa panukalang P14.81-B na budget ng Commission on Elections sa 2021.
Ayon kay Tolentino, makatutulong ito para makapag-generate o makalikha ng mas maraming overseas Filipino voters na maituturing na culturally clustered tulad ng mga Batangueño, Caviteño at Ilocano.
Iginiit ni Tolentino, wala naman aniyang nakasaad sa konstitusyon na limitado lamang sa pagboto ng Presidente, Bise Presidente at senador ang absentee voting.
Sinegundahan naman ito ni Minority Leader Franklin Drilon at sinabing umaabot sa 1.6 million overseas Filipino ang mga nakarehistrong botante pero tuwing halalan nasa 300,000 lamang ang bumuboto.