Igigiit ng liderato ng Kamara ang pagboto sa panukalang death penalty sa March 8 tapos man o hindi ang mga debate hinggil sa usapin.
Ito ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez ay para matutukan ang iba pang panukalang nakabinbin sa Kamara.
Itinanggi ni Alvarez na minamadali nila ang paglusot ng death penalty bill na aniya’y nabigyan na ng sapat na oras na matalakay sa Kamara matapos ihain nuong isang taon pa.
Sinabi ni Alvarez, pangunahing may akda ng panukala na wala na siyang balak ipasalang sa interpellation laban sa panukala ang 48 pang Kongresista.
Una nang inihayag ni House Justice Committee Chair Reynaldo Umali na isusulong nila ang pag apruba sa panukala sa second reading sa March 8 at third reading naman sa March 15.
By: Judith Larino