Suportado ng Department of Tourism (DOT) ang desisyon ng Puerto Princesa City na buksan muli ang kanilang lugar sa mga domestic tourist na may kaakibat na pagsunod sa health at safety protocols.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo -Puyat, malaking tulong ito sa pagbangon ng ekonomiya at industriya ng turismo na pinadapa ng pandemya.
Tiniyak din ni Puyat na kabilang sa mga prayoridad na mababakunahan ay mga tourism frontliners, partikular ang mga quarantine hotel workers.
Ika-1 ng Marso nang magsimula ang Puerto Princesa na tumanggap muli ng domestic tourists kung saan kinakailangan ng mga ito na sumailalim sa RT-PCR test sa loob ng 88-oras.