Ipinagpaliban ng mga malalaking mall operator ang pagbubukas ng mga sinehan at arcade ngayong araw.
Una na rito, pinayagan ng Department of Trade and Industry ang pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila.
Ayon kay Steven Tan, pangulo ng SM Supermalls, nakikipag-ugnayan na sila sa mga local government unit (LGU) para sa mga ipatutupad na mas mahigpit na health protocols.
Dagdag ni Tan, susundin ng SM Cinemas ang patakaran na one seat apart, bawal kumain at uminom at pagpapanatili ng pagsusuot ng facemask at face shield sa loob ng sinehan.
Bukod sa SM Cinemas, ipinagpaliban din ang mga sinehan sa lahat ng Robinsons Malls.
Samantala, sinabi naman ng Ayala Malls na hanggat hindi pa naaaprubahan ng LGU na pwede nang buksan ang mga sinehan ay mananatiling kasarado ang mga ito. —sa panulat ni Rashid Locsin