Pinaghahandaan na ang muling pagbubukas ng turismo sa Batanes Islands.
Binigyang-diin ni Batanes Governor Marilou Cayco ang pagbalangkas ng mga polisiya at guidelines para sa mga daragsang turista kasabay ng pagsasa-ayos sa mga tourist site maging ang tuloy-tuloy na training at inisyatibo sa lahat ng tourism stakeholders.
Tiniyak din ni Cayco na tutugunan ng probinsiya ang pangangailangan ng lahat ng naapektuhang manggagawa sa sektor ng turismo at mga negosyo gaya ng pansamantalang trabaho at iba pang kabuhayan.
Tatalima din anya ang lalawigan sa guidelines at health protocols ng Department of Tourism.
Samantala, inihayag ng gobernador na prayoridad pa rin ng pamahalaan ang buhay at kalusugan ng mga tao kaya mahigpit na ipinatutupad ang minimum health protocols lalo’t nananatiling banta ang COVID-19.