Pinag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) ang muling pagbubukas ng voter’s registration period.
Ito ay kahit katatapos pa lamang ng dalawang buwang registration period nitong Lunes.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, muling bubuksan ang registration period kung tuluyang maipagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sana sa susunod na taon.
Dinidinig sa Kongreso ang pagpapaliban ng may 2020 Barangay at SK elections sa Disyembre 2022 kasabay ng presidential elections.