Kanselado ang pagbubukas ng 41st Season ng PBA o Philippine Basketball Association ngayong Linggo, Oktubre 18.
Ito ay bunsod ng masamang lagay ng panahon dala ng bagyong Lando.
Base sa abiso ng PBA management, isasagawa na lamang ang formal opening sa Miyerkules, Oktubre 21 kung saan maghaharap ang Rain or Shine at Star hotshots.
Una rito, nag-anunsyo na rin ang UAAP na kanselado na ang kanilang aktibidad na kinabibilangan ng basketball at beach volleyball dahil sa bagyong Lando.
By: Meann Tanbio