Ipinagpaliban ang pagbubukas ng Ayala Bridge ngayong araw na ito.
Kasunod na rin ito nang pagkakaantala ng konstruksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nasabing tulay dahil sa pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.
Ayon kay DPWH-NCR Director Reynaldo Tagudando, dalawa hanggang tatlong araw pa bago makumpleto ang pagkumpuni sa Ayala Bridge kaya’t imposible pa rin itong magbukas ngayong weekend.
Ito na ang ikatlong beses na naantala ang pagbubukas ng tulay na nagdudugtong sa Ermita at San Miguel Districts sa Maynila.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)