Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng bagong tayong 420-Megawatt Unit 3 ng Pagbilao Coal-Fired Power Plant sa Quezon.
Sa kanyang talumpati kahapon, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Aboitiz Power Corporation na nagpapatakbo sa planta na nagkakahalaga ng halos Isang Bilyong Dolyar.
Ayon sa Pangulo, makatutulong ang planta upang makapagbigay ng trabaho at business opportunities sa mga residente ng Quezon kabilang ang mga miyembro ng New People’s Army.
Samantala, aminado naman ang punong ehekutibo na mabagal ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa noon dahil sa kawalan ng langis na nagpapatakbo sa mga planta.