Nananatili ang commitment ng Task Force Boracay na buksan sa publiko ang Boracay Island sa October 26.
Ayon kay Department of Interior and Local Government o DILG Undersecretary Epimaco Densing, umaayon pa rin sa schedule ang takbo ng rehabilitasyon sa Boracay kaya’t positibo silang mabubuksan nila sa itinakda nilang panahon ang isla.
Gayunman, bago aniya ang full operation ng Boracay ay posibleng magkaroon ng mga paunti-unting pagbubukas simula sa Setyembre.
Sa ngayon, halos kalahati na aniya ang iginanda ng kalidad ng tubig sa Boracay.
Sinabi ni Densing na obligado na rin ang lahat ng business establishments sa Boracay na kumonekta sewerage system ng isla.
—-