Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Central Luzon Link Expressway o CLLEX Phase 1.
Ang Phase 1 ay ang 18KM na bahagi ng CLLEX na nagdurugtong sa mga lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija.
May 4 na lanes ito at toll free para sa mga motorist at makadaraan din ang mga galing Sctex at Tplex papuntang Aliaga-Guimba Road sa Nueva Ecija.
Sa talumpati ni pangulong duterte, nagpasalamat siya sa lahat ng naging bahagi ng proyekto. —sa panulat ni Drew Nacino