Ipinagpaliban ng Philippine Airlines (PAL) ang nakatakda sanang pagbabalik ng kanilang mga domestic flights bukas Hunyo 1.
Ayon sa PAL, simula na lamang sa Hunyo 8 ang pagbabalik ng biyahe ng kanilang mga eroplano sa ilang piling lokal na ruta.
Wala namang ibinigay na dahilan ang PAL sa pasiyang ipaglaiban ng isang linggo ang schedule para sa pagbabalik ng ilan sa kanilang domestic flights.
Samantala, tuloy naman ang muling pagsisimula ng ilan sa international flights ng PAL simula bukas.
Habang may ilang mga flights din palabas ng bansa ang pinalitan ang petsa ng muling pagpapatuloy ng biyahe.
Pinapayuhan naman ng PAL ang kanilang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o magtungo sa kanilang website at mga social media accounts para sa kumpletong schedule ng mga filght.