Dahil sa patuloy na pagbabalik operasyon ng mga negosyo sa bansa, tumataas din ang bilang ng mga may hanapbuhay at tumatanggap ng sweldo.
Ayon kay Dept. of Budget and Management (DBM) Acting secretary Tina Rose Canda, nangangahulugan lamang ito na mas tataas pa ang kita ng gobyerno dahil mayroon nang pang-gastos ang mga Pilipino mula sa kanilang sweldo.
Malaki ani Canda ang maitutulong nito sa ekonomiya upang makabayad sa lumubong utang ng Pilipinas.
Maari din naman aniyang magtaas ng singil sa buwis ngunit una nang binigyang-diin ng papasok na Marcos Administration na mas maiging magpatupad na lamang ng mas pinaigting na hakbang upang mapalakas at mapataas ang tax collection ng bansa.
Inihayag pa ni Canda na una na aniyang siniguro ng mga economic managers ng Duterte administration na rasonable ang ginawang pag- utang ng bansa kung saan tiyak umanong mababayaran ito sa hinaharap.